Pagkakaingin sa isang barangay sa Quezon, hiniling na maaksyonan

Nagpasaklolo na sa Sangguniang bayan ng Quezon, Palawan ang ilang residente sa Sitio Odiong Brgy.Panitian Quezon, Palawan dahil sa pagkakaingin umano sa kabundukan.

Nitong nakaraang sesyon ay iprinesenta ang liham na naglalaman ng panawagan sa mga miyembro ng Sanggunian.

Ayon sa nagparating ng sumbong, nais nilang mahinto sa lalong madaling panahomn ang pagkakaingin sa lugar dahil naroon umano ang kanilang water source na pinangangambahang maapektuhan kung magtuloy-tuloy ito.

Kaugnay nito, may ganito na ring reklamo na ipinarating noon sa Lokal na Pamahalaan mahigit dalawang dekada na ang nakararaan.

Samantala, ang liham ay pirmado ng limampu’t pito (57) na mga residente ng Sitio Odiong na umaasa ng positibong resulta sa mga kagalang-galang na lokal na mambabatas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *