Pagkakaroon ng Barangay Electrician Training Program, pinaplano ng ALECO at TESDA Albay

LEGAZPI CITY – Plano ng Albay Electric Cooperative, Inc. (ALECO) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Albay na magkaroon ng Barangay Electrician Training Program.

Ito ang isa sa napag-usapan sa isinagawang pulong ng kooperatiba at ngf TESDA Albay na may layuning matiyak na ang mga Barangay Power Association (BAPA) sa lalawigan ay magkaroon ng mga ALECO-accredited electrician na nagtataglay ng kinakailangang mga kakayanan, kaalaman at mga kwalipikasyon sa kanilang tungkulin.

Mahalaga umano ito sa pagtitiyak din ng kaligtasan at upang mabawasan ang banta ng electrical fires, shocks at iba pang hazards, at marami pang iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *