Pagkakaroon ng ‘integrated’ na programa para sa water management, inaaaral na ng Pangulo

Pinag-aaralan na ngayon ni Pangulong Bongbong Marcos ang isang proposal na layong i-adopt ang isang programa para sa pagkakaroon ng ‘integrated’ water management system.

Sa pahayag, tinalakay ang adoption ng Integrated Water Resources Management Program para i-apply sa bansa.

Sa ilalim nito, magkakaroon ng mas maayos na coordinated development sa mga pamamahala sa ating resources.

Kabilang na rito ang water and land management, pati na rin ang iba pang mga resources sa bansa.

Sa ganitong paraan, mas mama-maximize ang ekonomiya ng bansa, pati na rin ang social welfare ng mga Pilipino nang hindi naman nako-kompromiso ang ating ecosystem.

Ang IWRM ay isang konseptiong binuo sa UN para ma-promote ang pangangalaga sa water resources.

Sa pagbabalangkas nito, pinapahalagahan ang tubig at iba pang natural resources dahil ‘finite’ ang mga ito at nauubos din.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *