Pagkakaroon ng maraming evacuees inaasahan sa Naga City

NAGA CITY – Magkakaroon ng maraming evacuees ang Naga City sa oras na matuloy ang bagyong Paeng na manalasa sa ilang bahagi ng Bicol Region kung hindi magbago ang takbo nito.

Ito ang tinitingnan ng worst scenario ng local na pamahalaan ng Naga, kasabay ng ginagawang paghananda ng Incident Management Team (IMT).

Kahapon isinagawa ang resiliency council meeting na pinangunahan mismo ni City Mayor Nelson Legacion at dinaluhan ng mga local government offices na nasa City Disaster Risk Reduction Management Council.

Kabilang sa dumalo ay si Annabelle Vargas, ang head ng City Social Welfare and Development Office. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Vargas, sinabi nitong lahat sila ay pinahananda sa magiging epekto ng bagyo, mula sa mga evacuees, pagtira ng mga ito sa  evacuation center at maging sa pagbibigay ng pangunahing pangangailanan.

May inihahanda na rin silang paunang 1,000 food packs.

Ang bagong naitayong evacuation center sa Barangay Sta.Cruz, ay  siyang pangunahing magiging magiging pansamantalang tirahan bukod pa sa mga classrooms at barangay hall.  

May mino-monitor na rin silang mga barangay na posibleng magkaroon ng evacuees, sakaling lumakas pa ang ulan at hangin.        

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *