Pagkakaroon ng mga pulis sa mga paaralan, iminungkahi ng liderato ng PNP

Naniniwala si Philippine National Police (PNP) chief Rodolfo Azurin Jr. na mahalaga ang naitutulong ng presenya ng mga kapulisan sa mga paaralan.

Ginawa ni Azurin ang rekumendasyon matapos ang naganap na saksakan sangkot ang ilang estudyante sa Culiat High School sa Quezon City.

Wala pang isang linggo ang nakalilipas – isa namang bomb threat ang bumulabog sa New Era Elementary School, ilang hakbang lang ang layo sa Culiat.

Sa pulong balitaan, umapela si Azurin sa mga paaralan na payagan ang kanilang mga kapulisan na bumisita sa mga paaralan.

Inihalimbawa ng PNP chief ang ginagawa sa CALABARZON Police kung saan – ang mga pulis mismo ang nagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa t’wing may flag ceremonies.

Sa ganitong paraan aniya ay makikita ng mga estudyante’t mga school staff na mayroong pulis sa kanilang paaralan na mabilis malalapitan sa oras ng pangangailangan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *