Pagkakaroon ng national strategic petroleum reserve sa bansa, iminungkahi

Iminungkahi ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte sa administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ikonsidera ang pagkakaroon ng national strategic petroleum reserve (SPR) sa bansa.

Ayon sa mambabatas, kinakailangan bigyang pansin ito ng incoming administration kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa na maaring umabot sa P100 kada litro.

Sinabi ni Villafuerte na isang paraan ito para ma-stabilize ang presyo ng produktong petrolyo at maprotektahan ang mga konsumidores sa epekto ng mataas na presyo nito.

Malaki umano ang magiging tulong ng state-run storage facility sa bansa sa mga posibleng price surge sa hinaharap.

Umaasa si Villfuerte na pag-aaralan ni Marcos ang nasabing SPR plan na napatengga ng halos dalawang taon sa Department of Energy.

Dapat aniyang pagtuunan ng pansin ang SPR plan bilang preparasyon sa maaaring mangyari sa hinaharap na kakulangan ng supply ng langis sa bansa.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *