Pagkakaroon ng new generation advanced 911 sa LGU Legazpi kailangan tapatan ng CDRRMO ang advanced technology

LEGAZPI CITY – Binigyan diin ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Legazpi na kailangan tapatan ang advanced technology ng New Generation Advanced 911 na ilalagay sa lungsod.

Ayon kay Miladee Azur, ang head ng nasabing opisina, magiging useless sa kanila ang ilalagay na NGA kung hindi matatapatan ng manpower personnel.

Aniya, nasubukan na rin ang kakayahan ng 911 ng Legazpi kung saan ay nagamit ang mga ito sa emerhensya at sa panahon ng dalawang taon pandemya.

Mas mapapabilis ang pagbibigay ng responde sa oras na maging full implementation sa lungsod.

Nilinaw ngayon ng ahenysa na emerhensya lamang ang kanilang tatanggapin sa mga tumatawag sa local 911.

Sa ngayon kasi ang New Generation Advanced 911 ay na ilalagay sa lungsod ay nasa memorandum of Understanding at Memorandum of Agreement ang mga ito.

Inaasahan ng opisyal maisasagawa ang full implementation ng NGA sa lungsod bago magtapos ang 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published.