Pagkakaroon ng picnic sa mga tabing ilog sa Cauayan City, mahigpit na ipinagbabawal ngayong mahal na araw

Mahigpit na umanong ipinagbabawal ng Public Order and Safety Division at PNP Cauayan City sa darating na mahal na araw ang pagtungo ng publiko sa tabing-ilog upang magpicnic o magswimming dahil nakasailalim pa rin sa Alert Level 1 ang lunsod.

Ito ang kinumpirma ni POSD Chief Pilarito Mallillin sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, nakipag-ugnayan na ang kanilang tanggapan sa mga barangay official  sa lunsod na pagbawalan ang kanilang mga kabarangay sa pagtungo sa mga riverbank upang magpicnic dahil ito ay mahigpit na pinagbabawalan.

Ito ay upang maiwasan ang hindi magandang pangyayari habang ginugunita ang mahal na araw sa lunsod dahil tuwing ganitong aktibidad umano ay maraming nangyayaring insidente ng pagkalunod sa mga ilog.

Partikular na babantayan ang mga barangay na nakakasakop sa mga river bank sa lunsod kung saan kinabibilangan ito ng barangay Alicaocao, Turayong, Andarayan, Bugalion, Gappal, Duminit, Guyabal at Daburab.

Samantala, nagpaalala naman si POSD Chief Mallillin sa mga debotong katoliko na dahil mayroong banta pa rin ng Covid-19 ay mahigpit na ipinagbabawal ang paghalik sa mga imahe ng santo ngunit maari pa rin umano ang pagpunas ng panyo sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *