Pagkakaroon ng sariling mental health facility, isinusulong sa Naga City

NAGA CITY—Positibo si City Councilor Gayle Abonal na mapagbibigyan ang kaniyang kahilingan hinggil sa pagpapatayo ng sariling Mental Health Facility ng Naga City Government.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Abonal na isa rin sa aktibo sa mga programa at pagsusulong ng Mental Health Care Services sa lungsod, ay sinabi nitong dalawang linggo palang matapos siyang maihalal bilang Konsehal ng lungsod ay agad siyang nagrequest kay Mayor Nelson Legacion na dapat magkaroon ng sariling pasilidad ang lungsod para maging kaagapay ng mga taong may mental health issue.

Positibo naman aniya ang naging tugon dito ni Legacion kung saan magsasagawa muna sila ng feasibility studies at research kung ilan ang mga taga Naga na hindi na kaya pang i-accommodate sa Mental Health Facility sa Cadlan, Pili at paghahanap ng lugar kung saan posibleng maitayo ang naturang pasilidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *