Pagkalat ng mga imported na gulay sa mga palengke, pinaiimbestigahan sa Kamara

Hinimok ng ilang mambabatas ang Kamara na imbestigahan ang pagkalat ng mga imported na gulay sa iba’t ibang pamilihan.

Sa House Bill 2263 na inihain ng anim na kongresista ng Makabayan bloc, pinasisiyasat nito sa House Committee on Agriculture and Food kung paano nakapasok ang naturang mga produkto.

Ayon sa grupo labis umanong nakaka-apekto ang proliferation o paglaganap ng smuggled na gulay sa kabuhayan ng mga magsasaka at mga nagtitinda ng locally produced na gulay.

Nabatid na nitong Agosto nang inireklamo ng mga samahan at mga kooperatiba ng mga maggugulay sa bansa ang pagpasok ng mga smuggled na gulay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *