Pagkamatay ng 2 estudyante sa Masbate, walang kinalaman sa module-DepEd Bicol

LEGAZPI CITY – Nilinaw ngayon ng Department of Education (DEPED) Bicol na walang kinalaman sa Module ang pagkamatay ng tatlong estudyante sa Brgy Matagangtang bayan ng Placer, Masbate nitong linggo lamang.

Ayon kay Regional Director Gilbert Sadsad, maaaring galing ang mga ito sa pisonet kung saan posibleng nagresearch o naglaro ng computer.

Aniya, responsibilidad na ng magulang dahil tanging sila lamang ang may kontrol dito.

Binigyan diin nito, sa ganitong sitwasyon ay wala umano dapat sisihan sa nangyaring insedente at nakakalungkot din ito sa sinapit ng mga magulang.

Nararapat na lamang na gawin ay magtulungan ang paaralan at guro sa mga biktima.

Samantala, inihayag naman ni Sadsad na ang pagkuha ng module ay tuwing lunes at ibabalik sa araw mismo ng Byernes.

May mga magulang din umano na binabalik o kinukuha ang module sa araw ng Sabado o linggo dahil sa karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho.

Kung babalikan, Dead on the spot’ ang tatlong estudyante matapos araruhin ng isang dump truck ay nadaganan pa umano ang mga ito sa Brgy Matagangtang sa bayan ng Placer, Masbate. Kinilala ang mga biktima na sina Christy Francisco, 16-anyos; Ferdalyn Caṅete, 10-anyos at Jelian Tamayo, 13-anyos. Sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng nasabing truck na naging dahilan para ararohin ang mga biktima.

Nasa kustudiya na ng pulisya ang truck driver na mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide and Damage to Properties.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *