Pagkamatay ng batang nakuryente sa Virac, Catanduanes aksidente umano ayon sa kapitan ng barangay

BNFM BICOLโ€”Binigyang diin ni San Isidro, Virac Catanduanes Punong Barangay- Jessie Talan, na aksidente ang pagkamatay ng isang 4-anyos na batang lalaki matapos itong makuryente habang nag-aayos ng street lights ang mga kawani ng barangay sa nasabing lugar.

Ayon sa opsiyal, pumutok at naputol ang ground wire ng inaayos na linya ng street lights rason upang aksidente itong tumama sa batang biktima na dumadaan lang sana sa kalsada papauwi sakanilang bahay.

Bukod dito, basa rin umano ang lupa na kinatatayuan nito dahil sa ulang dala ng bagyong Bising kaya’t mas naging malakas umano ang kuryente at nahirapan silang sagipin ang bata.

Samantala, sa panig naman ng pamilya ng biktima inihayag ng ama nito na naniniwala din silang aksidente ang pangyayari at tanging hiling na lamang nila ngayon na matulungan sila sa pagpapalibing ng kanilang anak.

Una na ring inihayag ni Kapitan Talan, na sasagutin ng barangay ang mga gastusin mula burol hanggang sa pagpapalibing ng bata.

Nanawagan naman ang mga otoridad sa mga magulang na huwag pababayaan sa labas ng bahay ang kanilang mga menor de edad na mga anak para maiwasan ang mga katulad na insedente.##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *