Pagkamatay ng isa sa biktima sa Degamo slay case, hindi makakaapekto sa mga nakabinbing kaso- DOJ

Hindi raw makakaapekto sa mga nakabinbing kaso sa korte ang pagkamatay ng isa sa biktima sa Degamo slay case, ayon sa Department of Justice.

Noong weekend, inihayag ng kampo ng napatay na gobernador ang pagkamatay ng ikasampung biktima ng tinaguriang “Pamplona massacre,” na kinilala bilang isang Fredilino “Putok” Cafe Jr. ng Negros Oriental Provincial Engineering Office.

Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, kailangan lamang maghain ng amendment ang mga prosecutors para amyendahan ang impormasyon o mga kasong kriminal na naisampa sa korte.

Nauna nang sinabi ni Remulla na inaasahang ihahain ng National Bureau of Investigation ang multiple murder complaints laban kay suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa DOJ.

Kahapon muling sinabi ni Remulla, na umaasa siyang maisasampa ang mga kaso sa linggong ito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *