Pagkondukta ng Parties dahilan ng biglaang pagtaas ng Covid-19 sa Camalig, Albay-MHO

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Municipal Health Office (MHO) Camalig Albay na nakapagtala sila ng pinakamataas na kaso ng Corona Virus Disease (COVID) 19 sa isang araw.

Ito ang inihayag ni Dr Jennifer Lapus ng MHO sa Brigada News Fm Legazpi matapos ipost ito ng Alkalde sa facebook account.

Ayon kay Lapus, siyam ang nagpositibo sa covid 19 sa nasabing bayan.

Kinilala ang mga nagpositibo sina Bicol Patient No. 28684, 32 anyos, isang babae na residente ng Cotmon, Patient No. 28897, 55 anyos, babae residente ng Brgy. Tagaytay, Patient#28898, 38 anyos, babae, residente ng Brgy. Gapo, Patient#28900, 20 anyos, babae, residente ng nasabing barangay, Patient#28899, 16 anyos, babae, residente ng Brgy. Cabangan, Patient#28901,  isang lola, 67 anyos, residente ng Brgy. 1, Patient#28902, isang babae, 14 anyos, residente ng Brgy. 1, Patient#28903, 27 anyos, isang babae, residente ng Brgy. Salugan at si Bicol Patient#28904, 37 anyos residente ng nabanggit na barangay.

Ayon pa dito, ang biglaang pagdami ng nasabing sakit ay itinuturong dahilan umano ay sa birthday party.

Dagdag pa nito, tanging mga magkakamag anak lamang ang kanilang naging bisita sa nasabing party.

Pakiusap ngayon ng MHO sa mga Camaligueño na kung maaari umano ay iwasan na muna ang pag imbita ng kamag anak, kapithbahay o kaibigan sa mga magsasagawa ng isang birthday party upang maiwasan ang pagkahawa o pagdami ng kaso ng covid 19.

Ang mga nasabing persona ang naka-isolate na ngayon.

Sa ngayon ay umaabot na sa 236 ang mayroon ng Covid 19 sa bayan, 21 rito ay active cases, 199 ang nakarecover at 16 ay nasawi sa nasabing virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *