Pagkuha ng isang kopya ng Certification of Eligibility at isang authenticated copy libre sa CSC para sa first- time job seekers

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Civil Service Commission (CSC) na libre ang pagkuha ng isang kopya ng Certification of Eligibility (CoE) at isang authenticated copy nito para sa first- time jobseekers.

Ito ay bilang pagtalima sa Republic Act No 11261 o First Time Jobseekers Assistance Act.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Camarines Norte CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas na hanggang isang kopya lang ng CoE at authenticated copy nito ang libre dahil ang mga additional copy ay subject ng existing fees.

Ang existing fees ay P100 per CoE at P50 per authenticated copy.

Ang sinumang aplikante na nagki- claim na first- time job seekers ay dapat Filipino citizen, aktibong naghahanap ng trabaho at residente ng barangay na mag iisyu ng certification nang kahit man lang anim na buwan.

“Pero take note po na subject po yan to ano to requirements, so any applicant claiming to be first time job seekers must secure and present an oath of undertaking ang barangay certification stating that he or she is a first time job seeker so makuha po siya ning certifiactaion from the barangay,” ani Salinas.

Sa ilalim ng naturang batas binibigyan ng benepisyo na malibre sa ilang bayarin ang mga first time job seeker tulad ng pagkuha ng NBI clearance, police clearance at iba pang mga dokumento na kadalasang hinahanap ng employer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *