Pagkuha ng lisensya sa pagbebenta ng alak , aprub sa isang konsehal sa Naga

NAGA CITY – Pinaburan ng isang Konsehal sa Naga City na dapat kumuha o mayroon na din dapat ang mga maliliit tindahan ng license to sell liquor upang maiwasang pagbentahan ng alak ang mga menor de edad.

Matatandaang iminungkahi ito ni Sen. Raffy Tulfo. Kapag lumabag, tatanggalan ng lisensya at kahit kailan ay hindi na makakapagtinda pa ng alak , isa aniya ito sa mga paraan upang maiwasan rin ang pagdami ng mga kabataang maagang nabubuntis.

Sa panayam kay City Councilor Joe Perez, Chairman ng Committee on Investment, Trade, Industry and Economic Enterprises, sinabi nitong malinaw sa batas na bawal pagbentahan ang mga menor de edad, dapat na maging mabusisi rin ang mga store owner kung maaari hingian nila ng cedula lalo na’t malaki ang responsiblidad at penalidad na kahaharapin nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *