Pagkuha ng module sa Camalig, Albay nag-resume na

LEGAZPI CITY – Ngayon araw mismo ay muling ibinalik ng Local Government Unit (LGU) Camalig ang distribusyon ng Module sa mga estudyante sa nasabing bayan matapos pansamantalang isuspendi nito ang pamamahagi dahil sa pagdami ng covid 19.

Ayon kay Mayor Caloy Baldo, hindi dapat matigil ang pag-aaral ng mga bata ngayon pandemya.

Aniya, kailangan maikapag-uganayan ang mga magulang o mag-aaral sa mga guro upang malaman ang sistema sa pamamahagi ng modyule.

Hindi rin dapat umano magkaroon ng face to face ang mga ito dahil sa may mga barangay pa rin na matataas ang kaso ng naturang sakit.

May mga inilatag na rin ang mga paaralan at LGu ang tamang pagkuha ng module kung saan maaaring ipadala ang mga module sa drop off point sa mga drop box upang malimitahan ang pakikipag-ugnay ng mga ito lalo na ang mga mag-aaral.

Sa huling tala ng LGU ay pumalo na sa 47 ang nagpositibo sa covid 19

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *