Pagkuha ng National ID sa Bicol Region gagawin nang online-PSA Bicol

Kinumpirma ng Philippine Statistics Authority o PSA Bicol na gagawin na nilang online ang pagkuha ng National ID para masiguro ang kaligtasan ng lahat sa nagpapatuloy na Covid-19 pandemic.


Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Regional Director Cynthia Perdiz ng PSA, epektibo na bukas ang online registration sa mga barangay na kukuha ng National ID.


Kaugnay nito, kanila rin umano na tinitingnan ang sitwasyon ng kanilang mga staff o empleyado na pumupunta pa ng mga barangay.


Ito na rin ay matapos ng temporary lockdown ng PSA Legazpi Branch dahil sa nagpositibong empleyado.


Sa ngayon, mahigit na sa 1, 8887, 585 individuals ang isinailalim na sa demographic data para sa Step 1 at aabot naman sa 426,339 individuals sa Step 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *