Pagkuha ng voter’s certification libre para sa mga kalalakihan ngayong araw

CAMARINES NORTE- Libre para sa mga kalalakihan ang pagkuha ng voter’s certification ngayong araw ng Lunes, June 21, 2021.

Kasabay ito ng pag arangkada ng 3 – day special voter registration na nagsimula ngayong Lunes at tatagal hanggang Miyerkules, June 23.

Pero nilinaw ng Commission on Elections na ngayong araw lang walang babayaran ang pagkuha ng voter’s certification.

Mababatid na hindi na nag iisyu ng voter’s ID ang Comelec makaraang maging ganap na batas ang National ID system na ngayon ay on going ang registration proper.

Ginawa ng Comelec ang nationwide special registration bilang pagpupugay sa mga kalalakihan lalo na sa mga haligi ng tahanan sa pagdiriwang ng Father’s Day.

Sa bayan ng Basud mayroon ding munting handog na inihanda ang Comelec para sa unang dalawampung registrants.

Nagpaalala naman ang komisyon sa mga magpaparehistro na sundin ang mga umiiral na health protocols tulad ng pagsususot ng face mask at face shield at social distancing.

Bago rin i- accommodate ay kailangan munang kunan ng body temperature ang registrant at mag fill- up sa health declaration form.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *