Paglagay ng super health center sa Manito, Albay, posible nang simulan sa 2nd o 3rd quarter ng taon

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Ako Bicol Party-list na mayroon nang pondo para sa pagpapatayo ng Super Health Center sa bayan ng Manito, Albay.

Ayon kay Cong. Elizaldy Co, inaasahan nilang ang konstruksyon ng super health center sa nasabing bayan ay maaaari nang masimulan sa ikalawa o ikatlong quarter ng kasalukuyang taon.

Aniya, hinihintay na lamang ang bidding mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at pag-inspeksyon sa nasabing center upang masimulan ang konstruksyon.

Malaking bagay ang paglagay ng ospital sa nabanggit na lugar upang hindi na kailangan pang dumayo sa mga malalayong lugar, o magtungo sa lungsod ng Legazpi para lamang magpakonsulta sa doctor.

Umabot sa PHP25-PHP50M ang inilaan ng pondo para sa konstruksyon ng proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *