Unti-unti nang nagdadatingan sa burol ni Jemboy Baltazar ang pamilya, kaanak at mga kaibigan ng binatilyo sa paghahatid sa kanyang huling hantungan ngayong hapon.
Ayon sa ina ni Jemboy na si Rodaliza Baltazar, sama-samang maglalakad ang pamilya, kaanak at kaibigan patungo sa ilog kung saan nangyari ang pagpatay sa kanyang anak saka dadalhin sa simbahan para sa isang misa.

Inaasahang alas dos o alas dos y medya mamayang hapon ay maihahatid sa huling hantungan si Jemboy sa La loma Cemetery sa Caloocan City.
Puting damit ang isusuot ng pamilya na may naka-imprentang rest in peace Jemboy Tolentino Baltazar na may kasamang litrato ni Jemboy at justice for Jemboy ang nakalagay sa likod nito.
Tuloy ang pagsigaw ng hustisya ng mga naulila ni Jemboy at naninindigan silang mistaken identity ang kasong ito.