Paglalagay ng 1000mbps free public wifi, pinag-uusapan na sa Camalig, Albay

BNFM BICOL—Nakipagdayalogo na ang lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay sa Enterprise Network & Connectivity Solutions provider na NetCity para sa planong paglalagay ng libreng public wifi sa bayan.

Sa panukala, nais ng LGU na magkaroon ng 1000 mbps na bilis ng internet para sa free wifi upang masakop nito ang mga tourist spots at mga barangay sa loob ng commercial district ng bayan.

Layunin nitong mabigyan ng malawak na internet access ang mga Camaligueños para sa mas mabilis na impormasyon lalo ngayong nasa gitna ng pandemya ang lahat at maging sa mga panahon ng kalamidad.

Iminungkahi ni Alkalde Caloy Baldo na gawing main access point ang municipal hall para sa unified spot ng digital connectivity at para mas mapadali ang ugnayan hinggil sa mga concerns ng publiko.

Nais din nitong mai-customize ang restriction sa paggamit ng wifi.

Kaugnay nito ay pinagsusumite ng LGU ang NetCity ng kanilang proposal laman ang project costing, requirements, at standards upang mapabilis ang implementasyon ng proyekto.

Ayon sa LGU, malaking tulong ito sa maraming sektor sa komunidad lalo na sa mga online learners at sa mga empleyadong naka work-from-home dahil pa rin sa pandemya.

Matapos ito ay muling magpupulong ang NetCity at lokal na pamahalaan para sa pagsasapinal ng proyekto.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *