Paglalagay ng 4 Motor Vehicle Recognition and Enforcement System sa entry and exit points ng Bicol tuloy na-LTO Bicol

LEGAZPI CITY – Nasa ikalawang phase 2 na ng implementation sa pinaplanong paglalagay ng apat na Motor Vehicle Recognition and Enforcement System sa Bicol Region kasabay rito ang pag uusap o pagdadayalogo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Local Government Unit (LGU).

Sa panayam ng Brigada News Fm Legazpi kay Glenn Mancera, Officer in Charge (OIC) Chief of Operation ng Land Transportation Office (LTO) Bicol sinabi nito, apat na motor vehicle and recognition system ang target na mailagay sa kalsada mula sa papasok hanggang papalabas ng Bicol Region ay matutuloy na rin.

Aniya, isa lamang itong gadget na parang cctv camera at mayroong sensor para sa pag identipika ng mga sasakyan.

Makakatulong rin sa pagresolba sa mga krimen o insidente sa kalsada dahil sa automatikong nakarehistro ang sasakyan sa ahensya.

Maliban na lamang kung ang sasakyan ay hindi rehistrado nginit kitang kita pa rin na ito ay dumaan sa kalsada.

Sa ngayon ay on going na rin ang pagpapatayo ng facility at posible rin umanong madagdagan pa ito sa susunod pang taon.

Sinabi ng opisyal target rin na mailagay ang motor vehicle and enforcement system sa ikatlong quarter at inaasahan rin ito na bago magtapos ang taong 2021 ay malakas na nag implementasyon nito.

Tiniyak rin ng tanggapan na ang pasilidad ay isang high definition at all weather gadget.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *