Paglalagay ng Abot Kamay program satellite office sa bayan ng Pilar at Bulan, aprubado na

Inaprubahan na sa isinagawang weekly session ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon na  nagtutulak na maglagay ng satellite office ang Abot Kamay Program sa mga bayan ng Pilar at Bulan, Sorsogon.

Ayon sa Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO, layunin nito na mas gawing accessible ang serbisyong hatid ng nasabing programa sa lahat ng sulok ng lalawigan kagaya ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga bayarin sa ospital, laboratory request, reseta, hemodialysis, chemotherapy at pagpapalibing.

Dagdag pa ng ahensya, magtatalaga rin umano ng mga social workers sa lahat ng munisipyo sa lalawigan pati na rin ang karagdagang assistant officers para mas mapadali ang pagbibigay tulong at asistensya sa mga Soroganon.

Matatandaan na ang Abot Kamay Program ay bahagi ng Assistance to Individuals In Crisis Situation o AICS ng DSWD at Pamahalaang Lalawigan para sa mga LGU sa buong bansa. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *