Paglalagay ng checkpoint bilang bahagi ng paghihigpit sa gitna ng pandemya sa PNP lang – DILG

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na tanging ang Philippine National Police lang ang otorisadong maglagay ng mga checkpoint.

Tugon ito ng departamento nang hingan nang paglilinaw kung maaari nga bang  muling maglagay ng sariling checkpoint ang mga barangay sa kanilang nasasakupan bilang bahagi ng pagkontrol sa galaw ng mga tao ngayong patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

Sa text message sa Brigada News FM Daet ni DILG Provincial Director Rey Caceres inihayag nito na maaari namang makipag ugnayan ang mga barangay at munisipyo  sa PNP kung mayroon talagang pangangailangang maglagay ng checkpoint.

Aniya, maaaring humingi ng guidance ang barangay sa PNP pero hindi pwedeng ang una ang siyang magkaroon ng initiative sa paglalagay ng checkpoint.

“The PNP is the one authorized to establish checkpoints po. The barangay or the municipality may coordinate and ask guidance from the PNP if a barangay checkpoint is necessary,” ani Caceres.

Matatandaan na  nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong isang taon, ang pinakamahigpit na restriction, ay naglagay ng mga checkpoint sa bawat barangay.

Kalaunan ay inalis din ito dahil sa kalituhang idinudulot ng implementasyon g checkpoint at naaapektuhan din ang delivery ng mga produkto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *