Bagyong Amang nagdulot ng baha sa ilang mga bayan ng Camarines Sur

CAMARINES SUR- Hindi gaano naramdaman sa Presentacion at Lagonoy , Camarines Sur ang pag-landfall ng Bagyong Amang kahapon pero binaha ang maraming bayan.

Sa  ulat ng PAGASA matapos na mag landfall sa Panganiban, Catanduanes nitong nagdaang gabi, sumunod sa Presentacion at Lagonoy kahapon ng hapon habang taglay ang lakas ng hangin na 45 km/h near malapit sa gitna  at magpagbusgo na 55 km/h.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Presentacion MDRRM Officer Regina Bea, hindi nila gaano naranasan ang malakas na hangin at ulan. Wala rin silang naitalang lumikas sa mga evacuation centers. Sa Lagonoy naman, sinabi ni Rommel Batanes ng MDRRM Office na, halos normal na hangin at ulan ang sitwasyon. Hindi rin aniya sila nakapagrecord ng evacuees.

Sa kanila nito, kaliwa’t- kanan ang binaha tulad sa San Fernando, abot dibdib ang baha sa Bonifacio Street, baha rin sa Brgy. Quitang, Pasacao; Barangay Timbang at Solong Minalabac; Veneracion , San Isidro at ilan pa sa Pamplona.

Una nang naiulat ang sa Bombon, Magarao, Calabanga, nakapagtala rin ng pagbabaha sa Buhi, Baao, Pili at Bula.

Inaalam ang kabuuhang bilang ng mga inilikas nang magpatupad ng forced evacuation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *