Paglikha ng Department of Water, pinabibilisan

Isang  neophyte solon ang muling nanawagan sa agarang pagpasa ng isang panukalang magtatatag ng Department of Water Resources Management habang ang bansa ay naghahanda sa epekto ng El Niño phenomenon.

Patuloy na nakabinbin sa Kamara ang inihaing House Bill No. 2880 ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee.

Muling iginiit ni Lee ang pangangailangan para sa gobyerno nang agarang paglulunsad ng mga mekanismo at imprastraktura upang matulungan ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura sa gitna ng nagbabantang krisis sa tubig.

Dahil kailangan ng pananim ang tubig, sinabi ni Lee na mayroon din itong epekto sa produksyon ng pagkain.

Sa ilalim ng HB 2880, maglalaan ng P2 bilyon para sa inisyal na operasyon ng bagong ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *