Paglilinis sa mga baybayin at ilog sa Olongapo plano ng gawin kada buwan

Pinagpaplanuhan na ng City Gariculture Office ng Olongapo na nang regular ang paglilinis sa mga baybayin at ilog ng Olongapo City.

Ayon kay Francis Maniago, OIC ng City Agriculture Office, planong gawin na kada buwan tuwing ikalawang araw ng Linggo ang paglilinis.

Ito ay para mamintina ang kalinisan ng dagat at ilog na pinagkukunan rin ng kabuhayan ng maraming mangingisda.

Nitong Lunes ay sinimulan na ng opisina, mga mangingisda, kapulisan at iba pang mga volunteers ang coastal clean-up.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *