Paglulunsad ng mass PHILPEN risk assessment ng DOH Bicol, nagpapatuloy sa iba’t ibang lugar sa rehiyon

LEGAZPI CITY – Nagpapatuloy ngayon ang paglulunsad ng Department of Health (DOH) Bicol ng Community-based House-to-house Mass Philippine Package for Essential Non-Communicable Diseases Interventions (PhilPEN) Risk Assessment sa iba’t ibang lugar sa rehiyon.

Ayon sa tanggapan, sunod-sunod na naglunsad ang ahensya ng naturang programa sa Libon, Guinobatan, Tabaco City, at Legazpi City sa Albay; Sorsogon City sa Sorsogon; at sa Balud, Dimasalang sa Masbate.

Layunin ng programang ito na mas mapalawak pa ang kaalaman ng publiko patungkol sa mga posibleng health risk na kakaharapin nila partikular na sa mga may edad na o senior citizens.

Hinikayat din ng ahensya ang publiko na makilahok sa Mass PhilPEN Risk Assessment upang malaman kung mayroong posibilidad na magkaroon ng mga sakit tulad ng hypertension, diabetes at iba pa.

Sinabi rin ng DOH, ngayong buwan ng Marso ay inaasahang mag-iikot ang mga health workers upang i-assess ang kalusugan ng mga residente sa barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *