NAGA CITY – Binuksan na sa publiko at sa mga motorista ang bagong 4-lanes na Mabolo bridge sa Naga City, kaya asahan na ang pagluwag ng daloy ng trapiko lalo na ngayong kasagsagan ng Peñafrancia Fiesta Celebration.
Ngayong araw ng Biyernes, September 15 gagawin ang 13th Bicol Regional Military Parade na lalahukan ng iba’t-ibang mga paaralan pribado man o pampubliko sa buong Bicol.
Bukas, Sabado ay ang taunang traslacion at fluvial procession para sa imahe ng Inang Peñafrancia na muling ibabalik sa kanyang permanenteng tirahan sa Basilica Minore.
Mas maraming bisita at deboto ang mga darating pa.
Tiyak na mas dadami ang bilang ng mga sasakyang dadaan palabas o papasok sa Naga City, subalit hindi na ito pinangangambahan ng City Government dahil sa nabuksang 4-lanes na Mabolo Bridge.
Ayon naman kay City Mayor Nelson Legacion, napakalaking tulong ito hindi lang ngayong Peñafrancia kundi sa mga susunod pang araw dahil sa mga bumibiyaheng patungong Visaya at Mindanao region na dumadaan sa lungsod patungo sa Sorsogon.
May iba pang mga infrastructures ang on-going ngayon kabilang na ang bypass road sa boundary ng Naga at Milaor, Camarines Sur.