Pagnanakaw ng kuryente ng ilang mga consumers, isa pa rin sa pinoproblema ng APEC

LEGAZPI CITY – Pinoproblema pa rin hanggang ngayon ng Albay Power and Electric Corporation (APEC) ang walang tigil na pagnanakaw ng kuryente ng ilang mga konsumer sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay Apolinario Alvarez, Chief Operation Officer ng APEC, may mga kabahayan pa rin hanggang ngayon ang nagnanakaw ng kuryente o tinatawag na jumper.

Inihalimbawa rin nito ang bayan ng Bacacay, Albay na halos sunod-sunod na household ay mayroong gumagawa ng nasabing gawain, kung kaya’t isinagawa ng mga ito ang malawakang operasyon sa lugar.

Pakiusap ng opisyal sa mga konsumer na tigilan na ilegal na bagay na ito dahil sa malaki ang magiging system loss ng kuryente.

Umaabot sa 25% ang system loss ng APEC, kung kaya’t inaabunuhan na lamang ito ng korporasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.