Pagnanakaw sa isang tindahan sa bayan ng Paracale nakunan sa CCTV, suspek arestado

CAMARINES NORTE- Nakunan sa CCTV camera ang pagnanakaw ng isang lalake sa isang sari- sari store sa bayan ng Paracale, Camarines Norte.

Pasado alas 8 ng umaga kahapon nang magtungo sa Paracale Municipal Police Station ang may ari ng tindahan na kinilalang si alyas “Al” 39 anyos, negosyante at residente ng nabanggit na lugar upang ireport ang pangyayari.

Ayon sa biktima, pwersahang pinasok ng isang lalaki ang kaniyang tindahan sa pamamagitan ng pagsira nito sa bubong at kisame.

Nang makapasok na sa loob ay kinuha at tinangay ang perang umaabot ng humigit-kumulang PHP 30,000.00 pero sa tulong ng CCTV camera ay nakilala ang suspek.

Agad na nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Paracale MPS para sa posibleng pagkakadakip sa suspek habang inihahanda na rin ang kaukulang reklamong kriminal na ihahain sa korte laban dito.

Mababatid na kadalasang tumataas ang mga insidente ng pagnakakaw kapag ganitong panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.