Pagpalalim sa bukana ng Bicol River iminungkahi para maiwasan ang pagbabaha sa Naga City

NAGA CITY – Mas komprehensibong pagpatupad ng mga solusyon kontra sa baha ang dapat na pagtuunan ng pansin ng lokal na pamahalaan ng Naga City sa susunond na taong 2023.

Iminungkahi rin ang pagpalalim sa bukana ng Bicol River para diretsong paglabas ng malaking volume ng tubig-baha.

Ito ang ilang sa suggestion ni Engr. Alexander Caning, head ng City Engineering Office at ng City Environment and Natural Resources Office, hinggil sa mga posibleng gawin ng kanilang opisina at ng City Government sa susunod taon.

Sa kanyang paliwanag sa Brigada News FM Naga, sinabi nitong malaki ang problema ng lungsod kung pagbabaha din lang ang pag-uusapan sa kabila ng kaliwa’t kanan nilang mga flood control projects na ipinatupad mula pa noon at hanggang ngayon.

Anya’y nakakadismaya dahil may pagbabaha pa ring nagaganap sa mga low lying areas na kanilang naproyoridad ng mga naturang proyekto.

Malaking budget na naman ang kakailanganin ng local na pamahalaan para maisakatuparan ang mga plano at mungkahi niyang ito, sabi pa ni Caning.          

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *