Pagpapabakuna ng 12-pataas sa LA, ginawang compulsary

Ginawang compulsary ang pagpapabakuna ng mga bata na edad 12-pataas na papasok sa mga pampublikong paaralan sa Los Angeles.

Ito na ang unang beses na nagtakda ng vaccination requirement ang isang major education board sa Estados Unidos.

Sinabi ng education officials na kailangan ay fully vaccinated na ang nasabing age group ng mga kabataan sa simula ng susunod na taon.

Ginawa ng Los Angeles Unified School District, na ikalawang pinakamalaking education board sa U.S., ang botohan para sa compulsary vaccination sa gitna ng pagsipa ng COVID-19 infections sa naturang bansa na dulot ng Delta variant.

Nangyari rin ito matapos magtakda ni US President Joe Biden ng mga bagong patakaran na inaasahang kokontrol sa mga bagong infections.

Inutos rin ni Biden sa mga kompanya na may mahigit 100 tauhan na tiyakin na lahat sila ay magiging fully vaccinated, at pati na rin sa lahat ng federal employees at contractors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *