Pagpapabakuna vs. COVID-19, mahirap gawing mandatory – health expert

Mahirap umanong gawing mandatory ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 dahil ang mga available vaccines sa bansa ay nakasailalim pa rin sa emergency use authorization (EUA). 

Ito ang sinabi ni Dr. Edsel Salvaña, infectious disease expert, matapos na magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon na ipapa-aresto nya ang mga indibidwal na tatangging magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Salvaña, dahil nga nakasailalim pa rin sa EUA ang mga vaccines, magkakaroon pa rin ng concern ang publiko.

Bilang doktor, sinabi ni Salvaña na mas nanaisin nyang maintindihan ng publiko kung bakit nila kailangang magpabakuna at ito ay para maprotektahan di lamang ang kanilang sarili pati na ang ibang tao.

Mababatid na makailang ulit nang nagbanta ang pangulo ng aresto para sumunod ang publiko sa health protocols kabilang na ang pagsusuot ng face masks, at ban sa mass gatherings. 

Umugong ang usapin sa mandatory COVID-19 vaccination ngayong taon matapos na isulong ng isang mambabatas na i-require ang pagpapabakuna ng mga eligible individuals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *