CAMARINES NORTE – Aminado ang Land Transportation Office (LTO) na hindi matatapos ang problema sa overloading na mga sasakyan lalo na sa malalayong lugar hanggaโt malaki ang problema sa mga kalsada.
Sa panayam ng Brigada News FM kay LTO Daet Assistant Chief Romeo Candelaria aminado itong problema talaga ang overloading partikular sa mga pampublikong sasakyan sa mga malalayong lugar dahil sa kakulangan ng biyahe.
Aniya delikado ang overloading na jeep at tricyle lalo na sa mga bata.
Ang ikinakatuwiran umano ng ilang driver at operator ay wala nang ibang biyahe lalo na kapag malayong barangay kaya napipilitan silang magsakay ng sobra- sobra sa kapasidad ng sasakyan.
(INSERT VIDEO 1)
Mababatid na inilunsad ng LTO ang Oplan Balik Eskwela noong August 28 hanggang nitong September 8 para sa pagbubukas ng School Year 2023- 2024.
Pumunta umano ang LTO sa ilang eskwelahan para magsagawa ng orientation seminar patungkol sa road safety.
Nag- inspeksyon rin ang LTO sa mga pagnunahing terminal sa lalawigan upang tingnan ang road worthiness ng mga sasakyan.
Bukod dito nagsagawa rin ang ahensiya ng road side inspection kasabay na rin ng enforcement ng mga batas trapiko.
