Iginiit ni Senador Francis Escudero na isa lamang umanong kaplastikan ang rekomendayong ipahinto ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ito ay kasunod sa hindi niya pagpirma sa committe report ng Senate Committee on Ways and Means na nagrerekomendang alisin ang POGO sa bansa sa loob ng tatlong buwan.
Ayon kay Escudero, tila pinupuntirya na lamang ang mga gaming operators sa bansa.
Giit ng mambabatas, bago pa naging popular ang POGO, nahihirapan na ang mga otoridad na sugpuin ang prostitusyon, kidnapping, patayan at mga patayan sa mga casino sa Pilipinas.