Pagpapahintulot sa pagsusuot ng pantalon sa mga kabataang babae sa mga paaralan, isinusulong sa Senado

Isinusulong ni Senador Raffy Tulfo ang pagkakaroon ng option sa mga babaeng estudyanteng nag-aaral sa mga eskuwelahang may mandatory school uniform na makapagsuot ng pantalon.

Ayon kay Tulfo, ilan sa mga hangarin ng Senate Bill 1986 o ang ‘Pants for Her Act’ ay maibigay sa mga kabataang babae ang pagpapasya sa kung anong kasuotan ang nais nilang gamitin; upang maprotektahan sila dengue; at upang maging komportable ang mga kabataang babae kapag sumasakay ng mga motorsiklo.

Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang mga paaralan at unibersidad na bumalangkas ng implementing rules kung saan pahihintulutan ang mga babaeng mag-aaral na magsuot ng pantalon na uniform, dagdag pa sanakasanayang palda.

Sa huli, sinabi ng mambabatas na nararapat lamang na ‘given’ ang pagsusuot ng pantalon ng mga estudyanteng babae sa mga educational institutions at hindi isang prebilehiyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *