Pagpapakain ng incumbent BSKE candidates sa mga gurong magse-serve sa eleksyon, vote buying pa rin – COMELEC Bicol

LEGAZPI CITY – May bahid pa rin ng pamumulitika ang pagpapakain ng mga incumbent Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) candidates sa mga guro na magse-serve eleksyon.

Kahit anong anggulo tingnan, vote buying pa rin ito kaya’t hindi ito papayagan ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Bicol Regional Director Atty. Ma. Juana Valeza.

Sa panayam sa kanya ng Brigada News FM Legazpi, sinabi niyang naa-appreciate nila ang pagtulong subalit huwag tangkain sa panahon ng eleksyon.

Aniya, una sa lahat ay naabisuhan na nila ang mga guro na magdala ng sariling baon sa mismong araw na ito.

Ayon kay Valeza, matatanggap nila kung ang lokal na pamahalaan ang magbibigay sa mga ito subalit hindi ang barangay.

Labag umano kasi ito sa guidelines ng komisyon at vote buying pa rin ang pagbibigay ng anumang asistensyang may halaga voluntarily sa mga guro, o kahit pa sa hindi tagasuporta.

Samantala, kahit pa nakagawian na umano ito ng karamihan, muling ipinapaalala ni Valeza na ipinagbabawal ito ng COMELEC at posible silang maharap sa reklamo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *