Pagpapakasal sa space, posible na?

Pangarap mo ba ang isang magarbo at bonggang kasalan? ‘Yung tipong aabot ang saya hanggang sa kalawakan?

Literal na aabot ang saya mo sa kalawakan kung sakaling masubukan mo ang Space Wedding na inihahain ng Space Perspective, isang space travelling company sa Florida na posible na umano magpakasal ang isang couple malapit sa space na 99% ng Earth’s Atmosphere.

Kung saka-sakali, ito’y isang kamangha-mangha umano na karanasan dahil sa ala-astroaut experience na aabot hanggang sa dalawang oras para masilayan ang kabilugan ng mundo at ano mang okasyon ay tiyak na hindi mo ito makalilimutan.

Ngunit, ito’y nagkakahalaga ng $125,000 o aabot lang naman  na mahigit 7 milyong piso kada tao.

Sa ngayon,  nakarehistro na ito ng libo-libong nakapagpabook ng ticket kung saan ito’y opisyal na ilulunsad sa taong 2024. |𝗪𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗟𝗜𝗦𝗔𝗬

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *