Inaprobahan na ni Department of Budget and Management o DBM Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng 3 bilyong pisong pondo para sa implementasyon ng fuel subsidy program ng pamahalaan.

Nasa 1.3 milyong driver at operator ang inaasahang magiging benepisyaryo ng programa.
Naka depende naman sa uri ng kanilang pinapasadang sasakyan ang halaga ng matatanggap nilang subsidiya.
Sampung libo ang matatanggap ng mga modernized public utility jeepney, at modernized utility vehicle express.
6,500 naman para sa mga traditional PUJ, Traditional UVE, public utility buses, mini buses, taxi, shuttle services taxi, transport network vehicle services, gayundin din sa tourist transport service, school transport services at filcabs.
Habang isang libo naman ang matatanggap ng mga tricycle driver, at 1,200 para sa delivery services.
Ibababa ng DBM ang pondo sa Department of Transportation na sya namang magbababa sa LTFRB bilang implementing agency.
Habang ang listahan ng benepisyaryo ay ibabase sa masterlist na manggagaling na sertipikado ng LTFRB, DICT, DTI, at ng DILG.