Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi titigil ang pamahalaan sa pagpapalakas ng kakayanan ng Philippine Coast Guard o PCG.
Sa pamamagitan ito ng pagbibigay ng makabagong kagamitan, at pagsasanay sa mga tauhan nito para mapalakas ang kapasidad ng bansa sa pagbabantay sa West Philippine Sea.
Sa isang panayam sa ika-122 anibersaryo ng PCG kahapon, sinabi ng Pangulo na isa sa plano ng gobyerno ang pagkakaroon ng karagdagang 40 patrol vessels.
Sinabi rin ng Punong Ehekutibo na mapalad ang Pilipinas dahil marami itong kaibigang bansa na handang tumulong upang mapabuti ang PCG.