Pagpapalalim sa Lake Buhi nais sana ng LGU; Nasa 1,000 pamilya apektado ng pagbabaha noong nagdaang linggo

NAGA CITY- Umabot sa 54 na mga pamilya ng inilikas sa Buhi , Camarines Sur nitong nagdaang lingo dahil sa pagbabaha pero kung lalahatin aabot sa isang libong mga pamilya ang apektado ng pagtaas ng lebel ng tubig sa lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mark Anthony Nazarea , binanggit na nasa walong mga barangay ang apektado ayon sa Municipal Social Welfare and Development Office. Kasama rito ang mga malapit sa lawa.

Simula kasi Disyembre malaking volume na ng tubig ang ibinababa sa lawa dahil sa panahon.

Ayon kay Nazarea, nais sana ng LGU na magkaroon ng dredging sa Lake Buhi pero wala itong katiyakan dahil sa mga batas o mga panuntunan na nakapaloob sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), hindi aniya basta-basta ang pagbulabog sa lawa. Sa ngayon aniya pinag-iigihan ang pag-alis sa mga water lily.

Ang iba pang plano ay well-coordinated naman na sa National Irrigation Administration (NIA)- Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *