Pagpapalawig ng voter registration, isinusulong ng 23 senador

Isinusulong ng 23 senador ang pagpapalawig pa ng isang buwan ng voter registration sa bansa para sa 2022 elections.

Sa isinagawang Senate session kahapon ng Martes, inihain ng mga senador ang Senate Bill No. 2408 na inendorsong aprubahan ng plenaryo.

Sakaling malagdaan at maging batas, ang kasalukuyang voter registration ay mai-extend hanggang October 31, 2021 mula sa original deadline ng Commission on Elections (Comelec) na September 30.

Binigyang diin ng mga senador na nararapat lamang na magkaroon ng extension sa voter registration dahil sa epekto ng pandemya kung saan karamihan sa mga unregistered Filipinos ay apektado ng lockdown.

Inihain ang naturang panukala matapos na tumanggi ang Comelec na i-extend ang period ng voter registration ngayong taon.

Sa 24 na mga senador, tanging si Senator Koko Pimentel III ang hindi kasama sa inihaing panukala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *