Pagpapanatili sa sapat na suplay ng bigas sa Bicol prayoridad-NFA Bicol

LEGAZPI CITY – Nakatuon ngayon ang National Food of Authority (NFA) Bicol sa pangangailangan ng bawat ahensya na Gobyerno na magbigay ng bigas sa panahon ng kalamidad o feeding program ng bawat lokal na gobyerno.


Ayon kay Regional Director Edna De Guzman ng nasabing tanggapan, mas pinaprayoridad ng NFA na mapanatiling sapat ang bigas sa Bicol Region.


Aniya, ang 4th quarter o buwan ng Oktobre hanggang buwan ng Disyembre ay mas mataas ang pangangailangan ng ilang Government Agencies tuwing mayroong pumapasok na bagyo sa Rehiyong Bicol.


Sakali man na magkaroon ng kakulangan ng supply ng bigas ay mayroon naman ginawang marketing plan ang NFA kung saan kukuha sa ibang rehiyon ng karagdagang suplay na bigas.


Aabot sa 22OK bags na mayroong suplay ng bigas kung saan ang iba nito nasa procurement.

Pinakamaraming supply ang mula sa Camarines Sur Branch na nasa mahigit 120K na palay at mayroong bigas na mahigit 40K bags, Sa albay, mahigit 31k na palay at mahigit 20k bags at ang Sorsogon Branch aabot sa 80k na palay at may 18k bags na supply na bigas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *