Pagpaparami ng talaba, bubuhayin sa shellfish demo farm ng PAO

Muling binubuhay ng Sorsogon Provincial Agriculture Office ang pagpaparami ng talaba o oyster sa Shellfish Demo Farm nito sa Brgy. Tughan sa bayan ng Juban, Sorsogon.

Ayon kay Leo Habulin, farm worker ng OPAG sa lugar, kasalukuyang 2K na ang mga spot collectors o shells na may laman ang kanilang pinapataba sa loob ng kanilang nursery bago ito ilipat sa labas ng kanilang demo farm para mas mabilis na lumaki.

Nasa 3k naman umano ang mga nakaabang na mga spot collectors na itatanim naman ngayong buwan ng Marso hanggang Mayo na breeding season ng mga talaba.

Dagdag pa ni Habulin maingat nilang inaalagaan ang mga talaba para maparami pa ang mga ito at maibahagi sa ibang bayan na gustong mag-alaga ng mga talaba.

Halos aabutin ng 9 hanggang 10 buwan bago sila makapag harvest ng talaba.

Base naman sa report ng Juban Municipal Agriculture Office, nasa 10K pa lamang ang kanilang nagagastos para sa proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *