Pagpapatayo ng bagong pasilidad para sa mga PDLs, malaking tulong upang mabawasan ang 300% na congestion rate

LEGAZPI CITY – Aminado ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Bicol na nasa 300% ang congestion rate sa nasabing rehiyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay BJMP Bicol Regional Director, Jail Chief Supt. Joel Superficial, malaking tulong ang pagpapatayo ng bagong konstruksyon ng pasilidad para sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) upang mabawasan ang nasabing porsyento ng congestion rate sa rehiyon.

Subalit, mas mababa naman umano ang naitalang congestion rate ngayong taon kung ikukumpara sa mga nagdaang taon.

Maliban pa rito, malaking tulong din sa ahensya kung marami rin ang kanilang mapapalaya sa kulungan na PDLs dahil mababawasan ang populasyon sa loob ng pasilidad.

Tiniyak naman ng opisyal na bago sila makalabas sa piitan ay dapat meron silang interbensyon, kung saan tuturuan muna ito ng isang livelihood upang makapagsimula ng bagong buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *