Pagpapauwi ng bankay ng lalaking tumalon sa NAIA, sasagutin ng DSWD

KORONADAL CITY — SASAGUTIN ng Department of Social Welfare and Development -National Capital Region o DSWD-NCR ang lahat na mga gastusin sa pagpapa-uwi ng bangkay ng isang lalaki na umano’y tumalon mula sa rooftop ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA-terminal-1 noong nakaraang linggo.

Ito ang inihayag ni Rodaleaf Catoto, Municipal Social Welfare and Development officer ng MSWDO-Surallah sa panayam ng Brigada News FM Koronadal.

Ayon kay Catoto, sasagutin ng DSWD-NCR ang lahat na gastusin, maging ang bayad sa punerarya, upang agad na mapauwi ang bangkay ng biktimang si Michael Laureño sa lugar nito sa Barangay Colonggulo, Surallah, South Cotabato.

Pinasiguro naman ng MSWDO-Surallah ang tulong upang maihatid ang mga labi ni ni Laureño sa pamamahay nito mula sa airport.

Dagdag pa ng opisyal na magbibigay rin ng tulong ang DSWD-12 para sa naiwang pamilya ng biktima.
Una rito, nakalikom din ang Brigada News FM Koronadal ng P7,000 sa programang ‘Brigadahan’ para sa pamilya nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *