Pagpasok ng pribadong kumpanya para mag-operate ng Level III water system aprub sa Sangguniang Bayan ng Basud

CAMARINES NORTE – Aprub sa Sangguniang Bayan ang pagpasok ng isang pribadong kumpanya mula sa Mindanao para mag-operate ng Level III water system sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Sa regular na sesyon nitong Lunes, pinagtibay ng buong konseho ang rekomendasyon ng Committee on Infrastructure and Public Utility na magpasa ng resolusyong interposing no objection sa pagpasok ng Hanabana Construction and Equipment Corporation na nag- aalok ng mas mahusay na serbisyong patubig.

Kung maalala ay humarap sa SB noong nakaraang linggo ang Vice President for Business Development ng kumpanya na si Ramoncito Sagocsoc para ialok ang kanilang serbisyo na aniya’y mas mahusay kumpara sa Primewater na pumasok sa joint venture agreement sa Camarines Norte Water District ilang taon na ang nakakalipas.

Ilan lamang sa bentahe na iniaalok ng kumpanya kapag pinayagan silang mag operate hindi lang sa Basud kundi sa ibang panig ng lalawigan ay ang 24/7 na suplay ng tubig umulan man o umaraw.

Wala rin umano silang minimum billing policy at ang babayaran lang ay ang actual consumption.

At dahil naka- joint venture ang kumpanya sa Mindanao Cooperatives Water Service Federation (MCWSF) hihimukin umano nilang mag-miyembro ang mga magpapakabit sa kanila ng koneksyon at makakatanggap ang mga ito ng kaukulang dividend alinsunod sa panuntunan ng Cooperative Development Authority (CDA).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *