Pagpatay kay Gov. Degamo mariing kinondena ng presidente ng LPP

KORONADAL CITY- KINONDENA ngayon ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr. at president ng League of Provinces of the Philippines ang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Tamayo, inihayag nitong magsasagawa sila ng emergency meeting kasama ang mga opisyal ng LLP at kapulisan bukas sa Camp Crame upang talakayin ang nagpapatuloy na hakbang ng kapulisan sa pagpatay kay Degamo.

Nanawagan din si Tamayo sa mga higher officials ng mga kapulisan na tutukan ang mga banta sa seguridad ng mga gobernador sa buong bansa.

Nagpapasalamat din ang opisyal sa pagdakip sa ilang mga suspek sa pagpatay kay Degamo habang umaasa naman ito na mahuhuli ng mga kapulisan ang utak sa nasabing krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *